Alamin ang higit pa tungkol sa problema sa pagsusugal

Ano ang pagsusugal?

Ang pagsusugal ay pagtaya o pagsasapalaran ng pera kung saan hindi mo tiyak ang kalalabasan. Ito ay maaaring nagkataon lang o kumbinasyon ng kasanayan at nagkataon lang. Kabilang sa mga halimbawa ang mga electronic gaming machine, pagtaya sa sports o karera ng kabayo, lotto, mga table game sa casino, bingo, o anumang iba pang laro kung saan tumataya ka ng pera.

mga senyales ng babala

  • Gumugugol ng mas maraming oras o gumagastos ng mas maraming pera kaysa sa nilalayon.

  • Nakikipagtalo sa kapamilya at mga kaibigan pagkatapos magsugal.

  • Natalo at mayroong pagnanasang bumalik sa lalong madaling panahon upang mabawi ang mga pagkatalo.

  • Nakokonsensya o nagsisisi sa pagsusugal.

  • Nanghihiram ng pera o nagbebenta ng mga ari-arian para magsugal.

  • Nag-iisip na makakuha ng pera sa di-ligal na paraan para makapagsugal.

  • Lumiliban sa trabaho para magsugal.

  • Itinatago kung gaano kalala ang pagsusugal.

responsableng mga tip sa pagsusugal

  • Huwag hayaang paglaruan ka ng laro.

  • Ituring ang pagsusugal bilang libangan, hindi isang paraan para kumita ng pera.

  • Huwag magsugal para takasan ang stress o pagkabagot.

  • Magtakda ng iyong limitasyon at huwag lumampas dito.

  • Huwag mong piliting mabawi ang iyong mga naipatalo. Lisanin ang lugar.

  • Isugal lang ang kaya mong ipatalo.

  • Huwag manghiram ng pera para magsugal.

  • Manatiling matatag at isipin ang mga taong umaasa sa iyo.

may makukuhang tulong

Ang mga serbisyo ng Gambling Help ay nagbibigay ng libreng pagpapayo, suporta at impormasyon sa mga sugarol at kanilang mga partner, pamilya at mga kaibigan.

mga serbisyo sa pagpapayo

May makukuhang suporta sa telepono at sa online 24 oras, 7 araw sa isang linggo.
Ang personal na pagpapayo ay inaalok sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Gambling Help sa mga oras ng pagtrabaho.

pag-isipang pagbawalan ang iyong sarili na magsugal

Kung sa tingin mo ikaw ay hindi makalabas sa mahirap mong sitwasyon, kausapin ang customer liaison officer ng venue tungkol sa pagbabawal (pagbubukod) sa iyong sarili. Makakatulong din ang mga serbisyo ng Gambling Help upang ibukod ka mula sa mga lugar ng pagsusugal.

Para sa impormasyon tungkol sa pagbubukod ng iyong sarili mula sa mga provider ng pagtataya sa mga isport, mangyaring makipag-ugnayan nang direkta sa mga provider.

mag-download ng aming polyeto

Sagutan ang pagsusulit upang malaman ang iyong kalagayan sa pagsusugal.

OK lang na humingi ng tulong
1800 858 858
libre at kumpidensyal 24/7

 

Para makakuha ng serbisyo ng interpreter sa iyong wika, tumawag
sa 131 450 at humiling na maikonekta sa Gambling Helpline

Contact us

If gambling is impacting your life or a loved one's life, it's okay to reach out for help. It’s free and confidential.

Call the 24/7 Gambling Helpline on 1800 858 858

Face-to-face counselling locations